Ang Silid - Noon at Ngayon
Ang silid ng mga ninuno nung unang panahon
Kakaiba sa silid ng mg Pinoy sa ngayon
Kapahingahan ng pusong dulot nito noon
Ngayo'y niligalig na ng radyo't telebisyon
Noo'y may takdayng oras pagtungo sa higaan
Ngayo'y kanya-kanyang diskarte sa tulugan
Noong unang panahon bulungan at ngisngisan
Sa silid ng bawat tahana'y mauulinigan
Modernong mga "gadyet" sa makabagong panahon,
Sa mga pamilya'y, umaagaw ng aten'syon
MP3, MP4, I-pod at Express Music Phone
Hadlang nga sa ating tunay na komunikasyon
Nung unang panahon sa bawat silid-tulugan
Huni ng mga ibon at lawiswis ng kawayan
Binulabog na ang dulot na kapanatagan
Ng mga kompyuter, laptop, "games" at "facebook" na 'yan
Kung maaari sana muli nating ibalik
Init ng mga yakap at matamis na halik
Ang kapahingahan na sa ati'y iwinaglit
Sa oras ng pagtulog atin munang iligpit